Mayroong mga ganito sa isang relasyon. Yung sa sobrang dami ng problemang nadadaanan nila, gusto na lamang sumuko. Minsan naman, isa ito sa nagiging dahilan ng mga single. Nasaktan ng Ex, ayun, pagod na daw siya magmahal kaya ayaw na niya, baka masaktan lang.
Pero siguro, wala naman talagang “napapagod” sa pagmamahal. Hindi ba’t ito yung nagpapalakas sa atin? Nasasabi lang natin ito dahil masyado tayong nadidismaya, dahil may bagay na nangyari na hindi ayon sa gusto natin o sa inaasahan natin.
——
(via theskullcandiii)