theskullcandiii:

Yung tipong sasabihan ka ng mahal mo ng “I LOVE YOU.”

Tapos ikaw “Weh? Talaga?”

Bakit nga ba natin ginagawa ito? 

  • Hindi ito insulto
  • Para sakin, gusto ko lang masigurong mahal niya din talaga ako
  • Minsan kasi, kelangan lang ng reassurance ng isang tao tungkol dito
  • Ano pa ba inaasahan nating isagot nila diyan? Edi yung matamis na “Oo naman, siyempre!” 
  • Minsan, hindi ito nagegets ng ibang tao. At negative ang pagtanggap nila dito. Sasagutin ka na lamang ng “Ah ok. Hindi mo pala ako pinaniniwalaan.”
  • Edi ayun, nasira na. Nagkatampuhan na. 
  • Kaya nga dapat maging open kayo lagi sa isa’t isa
  • Kilalanin niyo muna, at tignan niyo kung masasakyan niyo ang trip ng partner niyo
  • Dahil kung hindi, habambuhay kayo magbabarahan. Baka nga hindi pa kayo tumagal dahil diyan.

Kaya dapat mag-ingat sa paggamit ng pambabara. Iba-iba kasi ang isip ng tao. Pwede silang kiligin, pwede din silang masaktan.

Ang pagmamahal ay hindi dapat binabara, ito ay dapat tinatanggap ng buong puso. Lambingan lamang dapat ito.

——

(via theskullcandiii)