theskullcandiii:

Kesa sa hindi ka nga nasasaktan pero panay kasinungalingan naman ang ipinapakita sayo.

Hindi ba’t mas mabuti na lang na saktan ka ng harapan, kesa makipag-plastikan pa sayo?

Hindi ka nabubuhay sa gaguhan. Nabuhay ka dahil may karapatan kang malaman ang katotohanan. 

Kung hindi ka na niya mahal, sabihin niya na lang sana sayo. Kesa magpanggap pa siyang mahal ka niya, kahit na gustong-gusto na niyang makawala. 

Hindi ba’t mas masakit malaman isang araw na naawa lang pala siya sayo kaya hindi niya sinabing ayaw na niya? Na may iba na siya? Na ilang buwan ka na pala niya niloloko at ginagago sa likod mo?

Hindi mo ba masabi sakanya ang totoo dahil natatakot ka sa kalalabasan nito? O sige, hanggang kelan mo kayang itago yan? Handa ka bang tanggapin ang mas malaking problema sa panahon na malaman na niya ang totoo? O sasabihin mo ngayon na para hindi na lumaki pa ito?

Mag-isip ka ng mabuti. Mas mabuti nang masaktan ka ng harapan. Kesa patuloy kang magpapaloko at manloloko ng kapwa. 

Alam mo kung bakit?

Babalik din naman sayo yan ginagawa mo eh.

—-

(via theskullcandiii)